Maliban sa Emergency Medical and Urban Search and Rescue units magkakaloob din ang gobyerno ng Pilipinas ng 10,000 kumot sa mga biktima ng lindol sa Turkiye.
Ayon kay Office of Civil Defense Chairman at Defense Sec. Carlito Galvez Jr., nanghingi na rin siya ng tulong kay Baguio city Mayor Benjamin Magalong para makapagbigay ng mga damit panlamig.
Ani Galvez, bukod sa mga damit panlamig, bitbit din ng Inter-Agency Contingent ng Pilipinas ang mga gloves at bonnet.
Karamihan kasi sa mga naapektuhan ng lindol ay pansamantalang nanunuluyan sa tent at kailangan nila ang mga kumot, damit panlamig, gloves at bonnet bilang pananggalang sa lamig.
Nabatid na alas-10:00 mamayang gabi ay lilipad ang Philippine delegation sa Turkiye para gampanan ang mahalaga nilang misyon na sagipin ang mga biktima ng magnitude 7.8 na lindol sa Turkiye.