Mga dating flights na natigil dahil sa COVID-19, pinababalik ng DOT

Isinusulong ng Department of Tourism (DOT) na maibalik na ang mga dating flights na natigil dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic bilang bahagi ng pagpapayabong sa Tourism Industry.

Sa pakikipagpulong ni Tourism Secretary Christina Frasco sa flag carrier na Philippine Airlines (PAL), iminungkahi nito na ibalik na ang dating flights at maglunsad ng mga bagong destinasyon upang palakasin ang turismo.

Ipinaparating aniya ng availability ng flights ang pagiging bukas ng bansa sa pagtanggap ng International at Domestic Tourists.


Ibinahagi rin ni Frasco sa mga kinatawan ng PAL ang mahahalagang natutuhan sa 11th Asia Pacific Economic Cooperation Tourism Ministerial Meeting.

Kabilang dito ang tumataas na demand mula sa mga bansang tulad ng Thailand para bisitahin ang tourism destinations sa Pilipinas tulad ng Cebu.

Binigyang-diin pa ng kalihim na ang airline companies ay maituturing na mahalagang sangkap ng tourist lifecycle sa bansa.

Gayundin sa promotion ng napakaraming magagandang destinasyon na gagawing accessible sa mga turista.

Facebook Comments