Tuesday, March 17, 2026

Mga dating Marines na sinasabing tauhan ni ex-Cong. Zaldy Co, bumalik sa NBI

Bumalik sa National Bureau of Investigation (NBI) ang 18 nagpakilalang dating Marines at security aides ni dating Cong. Zaldy Co, at kasama ang kanilang abogado na si Atty. Levi Baligod.

Ito ay matapos silang ipa-subpoena ni NBI Director Atty. Melvin Matibag sa ikalawang pagkakataon.

Pinabulaanan naman ni Baligod na hindi pumayag ang mga dating sundalo na matanong ng NBI hinggil sa nilalaman ng kanilang affidavit.

Hindi aniya totoong background check o identity verification lang ang nangyari sa una nilang pagharap noong March 12.

Tiniyak ni Baligod na magsusumite sila ng hinihinging mga dokumento ni Matibag tulad ng contract of employment.

Pero dahil wala aniya rito si Co para mag-isyu ng sertipikasyon kaya secondary evidence ang isusumite nila partikular ang larawan ng identification cards.

Ipinasuko rin kasi ng NBI ang IDs ng mga sundalo nang ma-terminate sa trabaho.

Facebook Comments