
Pinagkibit-balikat lamang ng Ombudsman ang mga lumabas na balitang planong bawiin ng mga dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kanilang mga salaysay kaugnay ng maanomalyang flood control scandal.
Partikular na rito sina dating DPWH Engineers Henry Alcantara, Brice Hernandez at Jaypee Mendoza.
Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, gumagawa lamang ng ingay ang tatlong dating opisyal ng DPWH at magre-rely sila sa mga sinumpaang salaysay para sa isasagawang imbestigasyon.
Dagdag ni Clavano, malaking dagok din sa admission nila sa witness protection kung magdedesisyon ang mga itong mag-recant o bawiin ang salaysay.
Ang tatlong DPWH engineers ay ikinokonsiderang protected witnesses base na rin sa pahayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla noong September 2025 noong siya pa ang kalihim ng Department of Justice (DOJ).










