Manila, Philippines – Ibinasura na ng Sandiganbayan Fourth Division ang kasong katiwalian laban sa apat na dating opisyal ng Petron Corporation kaugnay ng tax credit scam.
Sa resolusyong inisyu ng korte, abswelto na sina Monico Jacob, Celso Legarda, Apolinario Reyes at Rafael Diaz Jr.
Pinagbatayan ng korte ang naunang desisyon ng Korte Suprema na nagsabing walang katiwalian sa pagbili ng Petron sa mga iregular na tax credit certificates.
Ang mga Tax Credit Certificates o TCC ay binili ng Petron sa labing walong garment firms.
Nakuha naman ng garment firms ang kanilang TCC sa Department of Finance gamit ang mga kahina-hinalang dokumento.
Sa tax credit scam, sinasabing umabot ng 2.5 billion pesos ang nawalang kita ng gobyerno dekada na ang nakakaraan.