Mga Dating Rebelde sa San Mariano, Sumailalim sa Pagsasanay Ngayong Araw

Cauayan City, Isabela- Kasalukuyang sinasanay ngayong araw ang mga dating rebelde patungkol sa Financial Literacy at Livestock training sa pangunguna ng Public Employment Service Office (PESO) San Mariano.

Sa pagsasanay na ito, kanilang mapag-aaralan kung paano gumawa ng maalat na itlog, mag patubo ng kabote at kung paano nila mapapangalagaan ang kanilang kita sa pamamagitan nang maayos na pag Imbentorya at pagkwenta.

Ayon sa pahayag ni Ms. Cora Pua, PESO Manager ng nasabing ahensya, kanilang ibabahagi ang lahat ng kanilang nalalaman na makakatulong sa ika-aangat ng kanilang kabuhayan at magiging buhay na patunay sa kabutihan ng Gobyerno sa mga benepisyong kanilang natanggap mula ng sila ay bumalik sa panig ng pamahalaan.


Maganda umano itong panimula para sa mga former rebels dahil malapit nang igawad ang kasunod nilang pangkabuhayan na ibinigay ng DOLE na nagkakahalaga ng P1.2 Milyong piso na kanilang ipinagbili ng pangitluging manok.

Nagpasalamat naman ang pamunuan ng 95IB sa suporta ng lokal na pamahalaan ng San Mariano, lalo na ang PESO na nakatutok sa kabuhayan ng mga dating rebelde.

Hinihikayat naman ni Major Oscar Blanza, Battalion Executive Officer ng nasabing unit, ang mga nasa loob pa ng kilusan na bumaba na at bukas aniya ang himpilan ng 95th IB para sa mga magbabalik-loob.

Facebook Comments