Mga Dating Rebelde sa San Mariano, Tumanggap ng Tulong mula sa PESO

8

*Cauayan City, Isabela- *Patuloy na nakakatanggap ng tulong ang mga dating kasapi ng New People’s Army (NPA) na nasa pangangalaga ng 95th Infantry ‘Salaknib’ Battalion, Philippine Army.

Personal na nagtungo sa himpilan ng 95th IB ang ilang kawani ng Public Employment Service Office (PESO) San Mariano na pinangunahan ni Ms. Cora M Pua PESO Manager upang ihatid ang programang TUPAD para sa mga dating rebelde na nasa kustodiya ng yunit.


Malugod naman itong tinanggap ni LTC Lemuel Baduya, pinuno ng Salaknib Battalion at lubos din ang kanyang pasasalamat dahil sa walang sawang pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa mga program ng kasundaluhan.

Nakapaloob sa programa ang buwanang pagtanggap ng mga dating rebelde ng tulong mula sa naturang ahensya.

Kasabay nito ang kanilang pagsasailalim sa pagsasanay para sa alternatibong pagtatanim na naglalayong maiangat ang antas ng kabuhayan ng mga kapatid na nalinlang na nagbalik-loob sa pamahalaan.

Facebook Comments