Moira Dela Torre, makikipag-collab sa isang sikat na American singer!

35

Matapos ang success ng “Paubaya” music video, isa na namang achievement ang naabot ng OPM singer-songwriter na si Moira Dela Torre.

Nakatakda kasing makipag-collab si Moira sa mga international artist kung saan ang una nito ay ang American singer-songwriter na si Pink Sweat$ na kumanta ng sikat na sikat na “At My Worst”.


Sa kanyang Instagram, isang teaser ang ipinost ni Moira na nagpapakita ng picture niya kasama ang American singer.

Say nito, hindi na siya makapaghintay at excited na sa bagong project na isa sa itinuturing niyang milestone.

Kamakailan lang ay trending at umabot ng 19 million ang views sa YouTube ng music video ni Moira para sa kanyang hit song na “Paubaya”, na tinampukan ng dating magkasintahan na sina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Facebook Comments