Isinagawa ito ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 02 at Cagayan Provincial katuwang ang mga tropa ng 77th Infantry Battalion.
Tinalakay ng nasabing ahensya ang tungkol sa Livelihood Settlement Grant o LSG at pagkatapos nito ay tinanong ang mga dating rebelde, patungkol sa kanilang LSG Project proposal.
Ayon kay LtCol Panopio Magtangol, pinuno ng 77th IB, isinagawa aniya ang naturang aktibidad para mabigyan ng kaalaman ang mga dating rebelde kaugnay sa tamang paghahawak o pagpapalago sa kanilang napiling pangkabuhayan para sila ay tuluyan nang makarekober mula sa kanilang dating pinanggalingang kilusan.
Ang naturang seminar ay bahagi rin ng ipinapatupad na Whole-of-Nation Approach to End Local Communist Armed Conflict.
Nagpapasalamat naman ang mga dating rebelde sa ibinigay na panahon at tulong ng ahensya ng gobyerno para sila ay matulungang tuluyang makabalik sa kanilang komunidad.