Mga dayuhan, kinumpirmang kasama ng Maute group sa Marawi City

Manila, Philippines – Kinumpirma ni National Security Adviser Ret. Gen. Hermogenes Esperon na may mga dayuhan ngang kasama ang Maute group.

Pero ayon kay Esperon, beniberipika pa nila kung mga miyembro ng Islamic State of Iraq and Syria ang mga ito.

Sa ulat ng Reuters, nasa 40 mga dayuhan ang kasama ng Maute batay sa intelligence source nila sa Pilipinas.


Kabilang umano sa mga teroristang ito ay mula sa Indonesia, Malaysia, Pakistan, Saudi Arabia at iba pang bansa sa middle east.

Pinangalanan rin ng Malaysia police ang apat na teroristang bumyahe pa Mindanao habang nasa 22 mula sa halos 40 miyembro na konektado sa ISIS ang pumuntang Marawi City.
DZXL558

Facebook Comments