Pinirmahan na ni Pangulong rodrigo Duterte bilang isang ganap na batas ang pag-amyenda sa Public Service Act na nagbabawal sa mga dayuhan na mag-may ari ng public utilities sa bansa.
Ayon sa Pangulo, layon nitong mapalakas ang investments at mapabilis ang pagbangon ng ekonomiya na pinadapa ng COVID-19 pandemic.
Ibig sabihin, papayagan na ang full foreign ownership sa ilang industriya kagaya ng media, telecommunications, airlines at railways.
Idinagdag pa ng Pangulo na umaasa siyang sa pamamagitan nito ay mas maraming pilipino ang mabibigyan ng trabaho at mas mapapaganda pa ang mga serbisyo.
Samantala, hindi pa rin papayagan na tuluyang mapasakamay ng mga dayuhan ang ilang sektor kagaya ng Public Utility Vehicles, kuryente at tubig, petroleum pipelines at mga pantalan.