Pangulong Rodrigo Duterte, ipinag-utos na itaas sa P500 ang dagdag na ayuda na matatanggap ng mahihirap kada buwan

Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte na itaas sa P500 ang ibibigay na dagdag ayuda kada buwan sa mga pinakamahihirap na Pilipino mula sa p200.

Sa kaniyang talumpati kahapon, sinabi ng Pangulo na ito ay matapos na umani ng batikos ang dagdag na P200 bilang tulong sa gitna ng pagtaas ng mga bilihin dulot ng sunod-sunod na oil price hike.

Ayon sa Pangulo, sinabihan na niya ang Department of Finance (DOF) na humanap pa ng pondong mapagkukunan dahil mismong siya ay naliliitan sa halaga ng ayuda.


Matatandaang una nang sinabi ng ilang grupo at mga mambabatas na masyadong maliit ang dalawandaang pisong ayuda at tila insulto rin umano ito sa mga mahihirap na Pilipino.

Facebook Comments