Mga dayuhang manggagawa sa Pilipinas, ino-obliga na ng Bureau of Immigration na kumuha ng TIN sa BIR

Pina-alalahanan ng Bureau of Immigration ang mga dayuhang manggagawa sa bansa na kumuha ng Tax Identification Number (TIN) sa   Bureau of Internal Revenue (BIR) bago mag-apply ng work visa.

 

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente,layon nito na matiyak na nakakakolekta ang gobyerno ng kaukulang buwis mula sa foreign workers sa bansa

 

 

Sinabi pa  ni Morente na  ang BI bilang bahagi ng Inter-Agency Task Force on the Employment of Foreign Nationals ay nakikipag-ugnayan na rin sa BIR, Department of Justice (DOJ), Department of Labor and Employment (DOLE) at iba pang ahensiya ng pamahalaan para sa mga panuntunan sa mga dayuhang mangagawa.


 

Ang TIN ay isa sa mga requirements para sa pagkuha ng work visa ng foreign workers sa bansa.

Facebook Comments