Mga dayuhang may valid visa, pwede nang pumasok sa Pilipinas; pero foreign tourists, bawal pa rin!

Pwede nang makapasok sa Pilipinas ang mga dayuhan na may valid visa maliban sa mga turista.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kabilang sa mga papayagang makapasok ay mga dayuhang namumuhunan, nagnenegosyo, nagtatrabaho, may asawa at anak sa bansa.

Habang hindi pa rin papayagan ang mga dayuhang turista kabilang ang mga may kasintahan, karelasyon o fiance na Pilipino sa bansa.


Matatandaang binago ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang nauna nitong resolusyon kung saan tanging mga dayuhang may valid visa at inisyu lamang simula March 16, 2020 ang pinayagang makapasok sa Pilipinas.

Facebook Comments