Mga dayuhang seafarers na may valid visa, papayagang makapasok ng bansa

Nilinaw ng Bureau of Immigration (BI) na maaaring makapasok ng bansa ang mga dayuhang tripulante o seafarer basta may ipapakitang valid visa.

Ito ay alinsunod na rin sa pagpapahintulot ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).

Ang nasabing foreign seafarers ay sasailalim sa pagpapalit ng crew o crew change sa pamamagitan ng green lane ng bansa.


Ang green lane para sa crew change ay may layon din na mai-promote ang Pilipinas sa mga international maritime vessels na bahagi pa rin ng humanitarian effort sa panahon ng pandemya.

Ang crew change hubs ay matatagpuan sa Maynila, Bataan, Batangas, Subic, Cebu at Davao.

Facebook Comments