Manila, Philippines – Nagbabala ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa mga turistang dayuhan na namataan na nakisawsaw sa isinagawang kilos protesta kahapon ng mga militanteng grupo na ipade-deport sa kanilang bansa.
Ayon kay MPD District Director Chief Supt. Joel Coronel, hindi lahat ng mga dayuhan turista ay binibigyan ng kanilang karapatan at pribilehiyo na gaya ng ibinibigay sa mga Pilipino na gamitin ang kanilan political rights na ipinagkaloob lamang sa mga citizen ng bansa.
Namataan kasi at nakuhanan pa ng picture ang apat na mga turistang dayuhan na sumali sa kilos protesta kahapon para tutulan ang pakikialam umano ng Amerika sa bansa.
Matatandaan na nagpalabas ng operation order ang Bureau of Immigration na nagpa-alala sa mga dayuhan na limitahan ang kanilang karapatang pulitika habang sila ay nanatili sa bansa.