habal-habal driver binaril patay

9

Patay ang isang habal-habal driver matapos itong mabiktima ng pamamaril kahapong alas singko ng hapon sa purok Rosario roxas barangay RH-12 cot.city. Kinilala ang biktima nasiDatukan Mamalaguia 47 anyos, resident eng PC Hill Barangay RH-1, na miyembro ng Karancho.
Ayon sa inisyal na inbestigasyon ng PP1, ni PCI Reynaldo Delanten, sakay umano ang biktima ng kanyang Raider 150 single motorcycle na may plakang MM-4861 ng barilin ng isang hindi pa nakikilalang suspect, nakatakbo pa umano ang biktima sa loob ng Roxas elementary school ngunit siyay hinabol parin ng gunman at doon ay muling pinaulanan ng bala na nagging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.
Matapos ang insedente ay mabilis namang tumakas ang gunman…Sa ngayon ay nagpapatuloy parin ang inbestigasyon ng kapulisan sa krimen, inaalam kung anu ang motibo sa pamamaril.

Facebook Comments