Maagang nagsimba ang mga deboto ng Black Nazarene sa Simbahan ng Baclaran sa Paranaque City.
Ito na kasi ang huling araw ng pagbisita ng replika ng Itim na Nazareno sa Baclaran Church bago ang pista ng Itim na Nazareno bukas sa Quiapo, Maynila.
Taliwas sa nakagawian, bawal humalik at bawal magpahid ng panyo o bimpo sa imahen ng itim na Nazareno bilang pagiingat sa COVID-19.
Sa kabila nito, hindi naman ito naging hadlang para sa ilang mga deboto na masilayan ang Imahe ng Nazareno.
Nagkaroon naman ng misa kaninang alas-10:30 ng umaga sa Baclaran Church bago ito ibalik sa simbahan ng Quiapo.
Mahigpit din ang ipinatutupad na health protocols sa mga deboto kung saan lahat ng mga pumapasok sa simbahan ay kinakailangang sumalang sa foot bath, kuhanan ng temperatura, kailangang nakasuot ng face shield at face mask.