Mga deboto ng Itim na Nazareno, muling dumagsa sa Quiapo Church

Muling dumagsa ang mga deboto ng Itim na Nazareno sa unang Biyernes ng buwan ng Disyembre.

Sa dami ng nagpuntang deboto, ginawan ng dalawa ang pila at ito’y sa bahagi ng Villalobos at Carriedo Street.

Sa dami ng nakapila sa Villalobos, pahirapan na maipatupad ang physical distancing.


Habang ang karamihan sa mga deboto ay pumila sa Carriedo Street kung saan sa sobrang habang ng pila, umabot na ito sa may bahagi ng Raon Street paikot ng Estero Cegado.

Bagama’t nakokontrol ang physical distancing sa pila sa Carriedo Street, pahirapan naman pakiusapan ang mga deboto na nananatili sa bangketa na nagiging dahilan ng kumpulan ng tao.

Para masiguro na walang makakasingit, namamahagi ng contact tracing ang mga Hijos del Nazareno sa mga deboto na nasa maayos ang pila.

Ang mga magulang naman na kasama ang kanilang mga menor de edad na anak ay kinakailangan na magpakita ng vaccination card kung saan hinihimok ng pamunuan ng simbahan ng Quiapo ang ilan mga deboto na maiging makinig o manood na lamang ng misa sa kanilang website o sa mga social media.

Facebook Comments