Dumagsa sa mga simbahan sa Pangasinan ang mga debotong Katoliko kahapon, Marso 29, 2026, upang makibahagi sa pagdiriwang ng Palm Sunday at magpabasbas ng kanilang mga palaspas.
Sa paniniwalang Kristiyanismo, isa itong mahalagang araw na ginugunita isang linggo bago ang Pasko ng Pagkabuhay at nagsisilbing hudyat ng pagsisimula ng Semana Santa.
Ipinapaalala ng Palm Sunday ang pagpasok ni Hesus sa Jerusalem kung saan siya ay sinalubong ng mga taong may hawak na dahon ng palma at sumisigaw ng papuri.
Sa Pilipinas, karaniwan ang pagdadala at pagpapabasbas ng palaspas bilang simbolo ng tagumpay, kapayapaan, at pananampalataya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










