Manila, Philippines – Sa kabila ng inilabas na travel warnings ng ibat-ibang bansa kaugnay sa presensya ng Abu Sayyaf sa lalawigan, binalewala lamang ito ng mga delegado ng katatapos na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) trade meetings sa Bohol.
Katunayan, matapos ang dalawang araw na closed door meetings, nag-ikot ang mga delegado sa iba’t ibang tourist spots sa Bohol.
Unang pinuntahan ng mga delegates ang tarsier sanctuary sa bayan ng Corella, sunod sa Loboc river kung saan sinubukan ang kilalang Loboc river cruise.
Mula sa ilog, dumiretso ang grupo sa Loboc church na isa sa pinakamatatandang simbahan sa bansa at huling pinuntahan ang tinaguriang ‘world-renowned’ chocolate hills sa Carmen.
Bantay-sarado naman ng mga security personnel ang mga delegadong namamasyal sa Bohol.
Nation