Cebu City – Nagsimula nang magsi-datingan ang mga delegado sa gaganaping Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) meeting na magsisimula sa July 1 hanggang July 7 sa Cebu City.
Bunsod nito, nagdeploy na ang mahigit 4,000 personnel mula sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.
Ayon kay Police Regional Office-7 Director Police Chief Supt. Noli Talino – mas mahigpit na seguridad ang kanilang ipapatupad dahil na rin sa kaguluhan sa Marawi City.
Tiniyak naman ni Talino na walang banta sa seguridad ng mga nasa Cebu.
Maliban sa mga tropa ng pulis at sundalo sa Central Visayas, dumating din ang augmentation force mula sa National Capital Region kasabay ng inaasahang pagdatingan ng ilang delegado sa ASEAN.
Facebook Comments