Hiniling ng tatlong kongresista na gawing COVID-19 vaccinators ang mga dentista at medical technologists.
Sa House Bill 9354 na inihain nina House Committee on Health Chairman Angelina Tan, Marikina Rep. Stella Quimbo at Quezon City Rep. Kit Belmonte, nais nilang maamyendahan ang Republic Act 11525 o COVID-19 Vaccination Program Act of 2021.
Sa naturang batas kasi ang mga tinukoy na pwedeng magbakuna sa COVID-19 vaccine rollout ay ang mga doktor, nurse, at mga na-train na pharmacists at midwives.
Iginiit ng tatlong mambabatas na malaki ang maitutulong ng dagdag na mga medical personnel para mapalawak ang COVID-19 vaccination ng gobyerno.
Dapat din anilang mapabilis ang pagbabakuna para maagapan ang posibleng pagka-sayang ng mga bakuna sa harap ng inaasahang pagdating ng mas maraming supply nito.