Mga Depositor, Nanawagan sa Luzon Bankers Association!

Cauayan City, Isabela – Mas mapanganib, mas aksaya sa oras at hindi praktikal. Ito ang pagsasalarawan at hinaing ng mga nagtutungo sa banko sa lungsod Cauayan sa umiiral na sistema ng mga bangko.

Mula nang ipatupad ang enhanced Community Quarantine (ECQ) hanggang sa ibaba ito sa General Community Quarantine (GCQ) ay nilimitahan na ang oras ng transaksyon sa hangarin na malimitahan ang oras ng paglabas at makontrol ang gawain ng mga tao sa labas.

Ngunit sa reyalidad ay kabaliktaran ang nangyari.


Sa aktwal na pangyayari ay hindi rin umubra ang ginawang schedule na ‘MWF’ sa Lungsod.

Sa mga araw na ito ay nagmistulang nadoble ang bilang ng mga nagtutungo dahil naipon ang transaksyon at mga taong nagtutungo sa mga banko na halos hindi na naipapatupad ang social o physical distancing.

Sa mga pila ay makikita ang kumpol kumpol na ng mga tao. Ito ang nakikitang dahilan ni Mrs Sally Domingo kung bakit kailangan umanong i-assess ng Luzon bankers association ang kanilang panuntunan para maikonsidera ang oras ng banking operations.

Sa puntong ito ayon pa kay Ginang Domingo ay mas maiiwasan ang pila ng mga tao at maipatupad ang physical distancing.

Naiparating na ito sa kaalaman ng LGU Cauayan ngunit ayon kay Mayor Bernard Dy, makikipag ugnayan sila sa Luzon Bankers Association dahil sila ang nagtakda sa ganitong sistema.

Naiintindihan umano ni Mayor Dy ang ganitong sentimiyento dahil siya din ay nakikita niya ang ganitong senaryo.

Sa kasalukuyan nasa ilalim ng GCQ, ang operasyon ng banko ay mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon.

Facebook Comments