Mga deputy speakers, balak dagdagan, samantala mga uupong committee chairman hindi na babaguhin

 

Pinag-aaralan na ni Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano na magtalaga ng dagdag na papel para sa mga Deputy Speakers ng 18th Congress.

 

Sa oras na maupong Speaker, inirekomenda ni Cayetano na maglagay ng Deputy Speakers para sa Finance, Environment, Health at Internal Affairs.

 

Paliwanag ni Cayetano, bukod sa Chairmanships, ang mga dagdag na posisyon sa Deputy Speakers ay magsisilbing parang Chairman of the Board ng Kamara upang mas mapalakas ang “think tank” ng gobyerno sa Kongreso.


 

Maliban dito, irerekomenda din ni Cayetano na huwag ng palitan ang mga uupong Chairmen at Vice Chairmen kahit pa bumaba na siya sa pwesto matapos ang 15 buwan.

 

Tiniyak din ni Cayetano na hindi niya bibiguin ang mga mambabatas at mga constituents kapag siya ay naupong House Speaker.

 

Hinikayat ni Cayetano na huwag maging disruptive ang Mababang Kapulungan at sa halip magtulungan para mas mapababa ang presyo ng mga bilihin, dagdag na trabaho, malaking kita, mapalakas ang anti-crime policies at maisulong ang mga agenda ng Pangulo.

Facebook Comments