Mga ‘Di pa Nabakunahan Kontra COVID-19 sa Isabela, Hinihikayat sa 3-Day Vax Drive

Cauayan City, Isabela- Muling nananawagan ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela sa mga hindi pa nababakunahan kontra COVID-19 na magpabakuna na.

Nakatakdang magsimula bukas, Nobyembre 29, 2021 ang gagawing 3-Day Vaccination drive ng pamahalaan sa buong bansa na matatapos sa Disyembre-01.

Kaugnay nito, hinihikayat ng bawat LGU sa probinsya ang lahat ng nasa edad 12 pataas anuman ang priority group na hindi pa nababakunahan na magtungo sa mga itinalagang vaccination sites.


Narito ang mga sumusunod na hospitals at vaccination sites na maaaring puntahan para sa pagpapabakuna.
1. Gov. Faustino N.Dy Sr. Memorial Hospital
2. City of Ilagan Medical Center
3. Milagros Albano District Hospital
4. Manuel A. Roxas District Hospital
5. Cauayan District Hospital
6. Echague District Hospital
7. Palanan Station Hospital
8. San Mariano Community Station Hospital
9. ISU- Ilagan Campus
10. ISU- Cauayan Campus
11. ISU- Cabagan Campus
Maaari rin makipag-ugnayan sa mga Rural Health Unit (RHUs) o City Health Office (CHO) para magabayan sa pagpapabakuna.

Facebook Comments