Inbound flights mula Hong Kong, ban na rin sa Pilipinas – NTF

165

Sinuspinde na rin ng Pilipinas ang inbound flights mula Hong Kong dahil sa banta ng bago at posibleng mas nakakahawang COVID-19 variant.

Una nang nagpatupad ang pamahalaan ng ban sa mga biyaheng manggagaling sa pitong bansa kabilang ang South Africa kung saan unang nadiskubre ang B.1.1.529 o Omicron variant.

Nilinaw naman ni National Task Force Against COVID-19 Restituto Padilla na hindi ipagbabawal ang paglabas sa bansa ng mga Pilipino pero kung naka-ban ang flight na kanilang sasakyan pabalik ay hindi sila makakapasok sa Pilipinas.


Hindi rin ipagbabawal ang pagpasok ng mga Pilipino sa bansa pero sasailalim sila sa mahigpit na quarantine.

Facebook Comments