Mga diabetic, hinihimok ng mga eksperto na magpa-booster shot kontra COVID-19

Inirekomenda ng mga eksperto ang pagpapabakuna kontra COVID-19 ng mga may diabetes.

Ayon sa Philippine Society of Endocrinology, Diabetes and Metabolism (PSEDM) sa pamamagitan ng primary doses hanggang sa booster shot, malalabanan ang matinding epekto ng COVID-19 sa mga pasyenteng may diabetes.

Ipinaliwanag ni Dr. Aurora Macaballug, Treasurer at pinuno ng Advocacy Committee ng PSEDM na ang pagtaas ng blood sugar ay nakakahina ng immunity at nagdudulot ng matinding sintomas sa mga diabetic na nai-infect ng COVID-19.


Partikular aniya sa mga diabetic na obese o labis ang timbang kayat mahalagang magpaturok sila ng booster dose.

Facebook Comments