Bilang ng mga botanteng inalis na sa listahan ng COMELEC, isasapubliko bukas

Isasapubliko bukas ng Commission on Elections (COMELEC) ang eksaktong bilang ng mga pangalang inalis na sa listahan ng mga botante para sa nalalapit na halalan.

Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, kabilang sa mga tinanggal ay mga de-activated na o mga hindi na naka-boto sa nakalipas na dalawang eleksyon.

Gayundin, ang mga botante na nagpa-rehistro sa dalawa o higit pang mga lugar.


Nagbabala naman si Commissioner Garcia sa mga nagpa-rehistro sa 2 o higit pang mga lugar na maituturing itong election offense at maaari silang makulong.

Facebook Comments