Nakauwi na sa bansa ang 158 distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa United Arab Emirates na karamihan ay biktima ng Human Trafficking.
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola, 74 sa kabuuang bilang ay mula sa Abu Dhabi at 84 naman ay mula sa Dubai.
Paliwanag naman ni Ambassador to the UAE Hjayceelyn Quintana, ang pinakahuling Repatriation ay Joint Effort sa pagitan ng Embahada ng Pilipinas Abu Dhabi at Consulate General sa Dubai.
Nabatid na ang mga OFWs ay umalis ng bansa gamit ang short-term visit visas at pinangakuan na bibigyan ng Work Visas ng illegal Recruiters.
Karamihan sa kanila ay overworked, nakakaranas ng maltreatment at contract violations ng kanilang mga employer.
Kaugnay nito, Muling nagbabala ang DFA sa mga pinoy na naghahanap ng trabaho sa abroad laban sa paggamit ng Tourist o visit Visas.
Ayon sa DFA nakakatanggap sila ng ulat tungkol sa mga illegal Recruiters na gumagamit ng third o fourth country, kung saan hindi kailangang magkaroon ng visa ang mga Pinoy.
At ilang bansa sa Middle East, ang ginagamit bilang jump-off points para ipadala ang mga Pinoy workers sa mga banned destinations.
Mula January 2019, mahigit 4,800 OFW’s na ang pinauwi sa bansa mula sa UAE, na ginastusan ng gobyer ng mahigit P135.34 million.
Noong nakalipas na taong 2018, kabuuang 5,842 OFW’s ang pinauwi mula sa Dubai at 3,533 mula sa Abu Dhabi.