Mga doktor, idudulog sa korte ang legalidad ng Vape Bill

Dismayado ang grupo ng mga doktor sa pagkaka-batas sa kontrobersyal na Vape Bill.

Kaugnay nito, sinabi ni Dr. Maricar Limpin, immediate past president ng Philippine College of Physician (PCP) na nakikipag-usap na sila sa kanilang mga abogado para kwestiyunin ang legalidad at constitutionality ng batas.

Kabilang sa kukwestiyunin ng grupo ay ang paglipat sa Department of Trade and Industry (DTI) ng mandato sa pag-regulate ng vape products.


Punto ni Limpin, may epekto sa kalusugan ng mga tao ang paggamit ng vape products kaya dapat lang na ang Food and Drug Administration (FDA) ang re-regulate nito.

Ikinababahala rin ni Limpin ang pagpapababa sa edad na pwedeng gumamit ng vape, na ngayon ay 18 years old na mula sa dating 21 years old.

Dahil dito, nangangamba ang mga health experts na mauwi rin ang addiction sa vape sa pagkalantad ng mga kabataan sa paninigarilyo, pag-inom ng alak at paggamit ng illegal drugs.

Facebook Comments