Radyo Saya ng RMN Networks, DZXL Radyo Trabaho at ACS Manufacturing Corporation naghatid ng good vibes at regalo sa Malabon

36

Sa kabila ng malakas na lindol na naramdaman kanina hindi nagpaawat ang Radyo Saya ng DZXL 558 RMN Manila upang mapangiti ang ilang residente ng Potrero, Malabon.

Sa pag-iikot ng Radyo Saya Team katuwang ang mga taga- barangay hall ng Malabon, unang nakatanggap ng regalo si Ronaldo Reyes, 42 years old, ng VMN Compound, sinundan ni Virginia Tisoy, 52 years old ng Pineapple Road, 3rd winner si Juanito Dela Cruz, 67 years old ng Chico Road at marami pang iba.

 

Sila ay nabigyan ng bigas, ACS gift pack at cash prize mula sa Unique Toothpaste.


Bukod sa regalo at may palaro rin ang grupo sa mga residente.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga nabigyan ng regalo kung saan sinabing malaking tulong ang natanggap mula sa DZXL 558.

Facebook Comments