Mga dokumento mula sa BIR kaugnay sa Pharmally Corporation, didinggin ng Senado sa isang executive session

Sa nagpapatuloy na pagdinig ngayon ng Senate Blue Ribbon Committee ay iminungkahi ni Bureau of Internal Revenue o BIR Commissioner Cesar Dulay na sa isang executive session dinggin ang mga isinumite nitong dokumento ng Pharmally Pharmaceuticals Corporation.

Paliwanag ni Dulay, nasa batas na hindi pwedeng isapubliko ang mga dokumento lalo na ang mga iniimbestigahan ng BIR na mga korporasyon o indibidwal.

Inirekomenda ni Senate President Tito Sotto na tanggapin ang rekomendasyon ni Dulay at sa executive session suriin ng Senado ang mga dokumento ng Pharmally.


Ipinunto naman ni Senator Richard Gordon na siyang chairman ng komite, na ito ay public documents kaya dapat isapubliko dahil bilyones ang kinukuwestiyong pondo at kung sakali mang suriin ito sa executive session ay sila pa rin ang magpapasya kung maaari itong isiwalat.

Ang mga dokumentong isinumite ng BIR sa Senado ay tugon sa hangarin ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na posibleng may tax liabilities ang kompanyang Pharmally kung saan binili ng gobyerno ang face mask, Personal Protective Equipment (PPE) at iba pang medical supplies na umano’y overpriced.

Facebook Comments