Mga dokumento ng tatlong OFW na biktima ng salisi gang sa Pasay, narekober na

Pasay City – Narekober ng pulisya ang mga dokumento ng tatlong Overseas Filipino Workers (OFWs) mula Kuwait na nabiktima ng salisi gang sa Pasay City noong nakaraang linggo.

Isang tindero umano ang nakakita sa mga dokumento sa mega Q-Mart sa Cubao, Quezon City.

Pero wala na ang walumpung-libong pisong cash, siyam na cellphone at ilan pang mahahalagang gamit ng mga biktima.


Matatandaang isang babaeng suspek na nagpakilalang “Gabriel Rut” ang nagpanggap na OFW at kinumbinse ang mga biktima na maki-share sa kanya ng kwarto.

Habang hinihintay ang flight papuntang General Santos, inaya muna ng suspek ang tatlo na mag-mall.

Maya-maya, nagpaalam ang suspek na magwi-withdraw siya ng pera pero hindi na ito bumalik.

Doon na nila nadiskubre na tinangay na pala ng suspek ang lahat ng kanilang mga gamit.

Facebook Comments