Manila, Philippines – Hindi galing sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang mga dokumentong nakalagay sa reklamo ni Senador Antonio Trillanes IV kaugnay sa umano’y mga bank account ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang binigyang linaw ni Solicitor General Jose Calida sa interview ng DZXL RMN.
Base raw ito sa natanggap niyang sulat mula sa AMLC na nagsasabing hindi sila nagbigay ng anumang report sa Ombudsman kaugnay sa mga nasabing bank account.
Dahil dito, maaari aniyang managot sa batas si Senador Antonio Trillanes IV maging si Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang.
Hinayaan daw kasi ni Carandang na magamit siyang instrumento ng political harassment.
Facebook Comments