Mga donasyong damit sa mga biktima ng pagputok ng bulkang Taal, kinuwestyon ni Panelo

231

 

Kinuwestiyon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang nag-viral sa social media na mga donasyong damit sa mga biktima ng pagputok ng bulkang Taal.

 

Ayon kay Panelo, may mga donasyon pang mga high heels, barong, damit na pang security guard at iba pa.


 

Aniya, hindi niya maintindihan kung bakit may mga nagbibigay na ganyan donasyon lalo na sa sakuna na naranasan ng probinsiya ng Batangas.

 

Samantala, giit ni Panelo, ang mahalaga ay maraming nagbibigay ng mga pangangailangan lalo na sa mga pagkain ng mga apektado ng pag-aalburuto ng naturang bulkang.

Facebook Comments