Lider at Recruiter ng NPA, Nanawagan!

93

Cauayan City, Isabela- Nananawagan ngayon ang dating lider at recruiter ng New People’s Army (NPA) sa kanyang mga naiwang kasamahan na magbalik-loob na sa gobyerno.

Sa ginanap na Press Conference sa kampo ng 502nd Infantry ‘Liberator’ Brigade kaninang umaga, personal na nanawagan sa kasamahan ang sumukong NPA na si alyas “Dennis”, 37 anyos, dating Supply Officer ng Central front Isabela, KR-CV at recruiter ng NPA sa bayan ng San Mariano, Isabela.


Aniya, tatlong taon na ito sa kanilang kilusan subalit walang natupad sa mga ipinangako ng mga nanghikayat sa kanya.

Iginiit nito na huwag paniwalaan ang mga sinasabi at pangako ng mga rebeldeng grupo dahil estratehiya lamang aniya ng mga ito upang makapag-recruit.

Nagpapasalamat naman ito sa kasundaluhan at desidido naman aniya itong magbagong buhay kasama ang kanyang pamilya.

Facebook Comments