Mga donasyong ipapasok sa ARAL Program Law, hindi bubuwisan ng pamahalaan – PBBM

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang commitment ng pamahalaan sa pagbibigay ng libreng access at magandang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Kaya naman sinisiguro ng Pangulo na hindi bubuwisan ang mga kontribusyon, donasyon, at grant na matatanggap ng Department of Education (DepEd) para sa nilagdang batas na Republic Act. No. 12028 o ang Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program.

Ayon sa Pangulo, exempted sa donor’s tax ang mga ipagkakaloob na grant sa programa mapa-cash o in-kind man.


Sa ilalim ng programa ay libreng makatatanggap ng tutoring session ang mga estudyante na nahihirapan sa kanilang aralin, partikular sa pagbabasa, sa mathematics, science, at iba pa.

Ito ay para mahikayat aniya ang mga sektor na mamuhunan sa sektor ng edukasyon sa bansa na makatutulong sa pag-angat ng kalidad ng edukasyon at sa buhay ng mga Pilipino.

Facebook Comments