Mga DOTr Officials, pinagsusumite ng SALN’s para bigyang daan ang imbestigasyon sa mga katiwalian sa gobyerno ayon kay Secretary Tugade

Inatasan na ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang mga DOTr officials at iba pang pinuno ng ahensiya na magsumite ng kanilang Individual Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth sa DOJ-led “Mega” Task Force .

Ang kautusan ni Tugade ay bilang pagtugon at suporta sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ang mga katiwalian sa gobyerno.

Kasama din sa mga pinagsusumite ng SALN ang mga Chief-of-Staff ng mga Opisyal, Secretaries, Executive Assistants, lahat ng kasama sa Project Management at Procurement.


Nagtalaga na si Tugade ng grupo at point person na mangolekta at susuri sa mga SALN ng mga dati at kasalukuyang DOTr Officials pati ang kanyang sarili.

Ikinatuwa naman ng kalihim na hindi kasama ang DOTR sa limang ahensiya na tinukoy ng pangulo na kabilang sa ‘Most Problematic Agencies’ sa bansa.

Facebook Comments