Mga drayber ng tricycle, ride-hailing, at delivery, dapat isama din sa ayuda ng DOTr

Itinulak ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan na maisama ang mga drayber ng iba pang uri ng serbisyong pampublikong sasakyan sa Fuel Subsidy Program ng pamahalaan na merong karagdang pondo para sa susunod na taon na nagkakahalaga ng P5 bilyon.

Ayon kay Pangilinan, dapat isama ang mga drayber ng tricycle, taxi, ride-hailing at iba pang panghatid na sasakyan sa ayudang nanggagaling sa pamahalaan.

Sa ilalim ng kasalukuyang badyet, tsuper ng dyip at bus lang ang mga nakikinabang sa programa.


Pero giit ni Pangilinan, bukod sa mga tsuper ng dyip at bus, apektado rin ng krisis sa COVID ang ibang grupo ng driver, at kailangan ding magbenepisyo sa programa.

Sinang-ayunan naman ni Senator Grace Poe, na syang vice chairperson ng Senate Finance Committee para sa transportasyon, ang nasabing panukala.

Pabor si Poe na sa pagtaas ng badyet ng DOTr, ay maari ng palawakin ang saklaw ng programa sa pamamagitan ng pagsama sa iba pang uri ng PUVs.

Facebook Comments