Nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga ang 61 na drayber, konduktor at dispatcher sa isinagawang Oplan Harabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) simula noong April 8, 2022.
Ito’y mula sa kabuuang 4,220 na sumalang sa drug screening sa mga drayber at kundoktor ng major bus, jeep, tricycle at Public Utility Vehicles sa iba’t ibang terminal sa buong bansa.
Kabilang sa mga ito ay nagpositibo sa shabu at marijuana.
Mula sa kabuuang nagpositibo, 20 ay mga tricycle drivers, 10 ay jeepney drivers, 11 na bus drivers, 7 na van drivers, 7 na tricycle drivers, 5 na konduktor at isang dispatcher.
Ang mga driver na magpopositibo sa confirmatory test ay kukumpiskahin ang kanilang mga lisensya at hindi papayagang bumiyahe.
Isasailalim naman ang mga ito sa reformation program ng kani-kanilang local barangay Anti-Drug Abuse Council bago nila muling mabawi ang kanilang mga lisensya sa pagmamaneho.