Pila ng mga pasahero na pauwi sa hilaga at gitnang Luzon, nagsimula nang humaba sa ilang mga bus terminal sa EDSA Cubao sa Quezon City

74

Nagsimula na ang pagdating ng ilang pasahero sa ilang bus terminal sa EDSA Cubao sa Quezon City na gustong maagang makauwi para sa paggunita ng Semana Santa.

Mahaba na ang pila ng mga naghihintay ng bus sa Five Star bus terminal na biyaheng Zambales.

Ganito rin ang sitwasyon sa mga Bataan Transit Station na biyaheng Pampanga at Bataan.


Ayon sa ilang dispatcher ng Bataan Transit at Five Star, inaasahan nila sa Miyerkules pa ang peak ng pagdagsa ng pasahero.

Naglagay naman ng command post ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Land Transportation Office, QC government at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa bahagi ng Montréal street malapit sa Five Star Bus Terminal para sa passenger assistance.

Pinangunahan naman ni Colonel Bong Nebrija, ang hepe ng special operations ng MMDA ang paglilinis ng obstruction o mga naka-park na sasakyan sa Montréal street na pasukan at labasan ng mga bus papuntang mga lalawigan sa gitnang Luzon.



Facebook Comments