Mga driver na bumibiyahe sa kahabaan ng Marcos Highway sa Antipolo City, nadismaya sa kanilang mga operator at LTFRB dahil hindi pa nabibigyan ng ayuda

Dismayado ang mga driver na bumibiyahe sa kahabaan ng Marcos Highway sa Antipolo City na wala pa silang natatanggap na ayuda mula sa kanilang operator at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon kay Dennis Fernandez, driver ng biyaheng Antipolo-Cubao na hindi umano sila kasama sa may 136,000 drivers ng pampasaherong jeep na makikinabang sa naturang programa ng pamahalaan.

Paliwanag ni Fernandez, makikipag-ugnayan sila sa kanilang operator at LTFRB upang hilingin na bigyan sila ng ayuda.


Malaking bagay aniya ang ₱7,200 na one-time subsidy na ang pondo ay ipapasok sa PPP cards.

Matatandaan na una nang sinabi ng LTFRB na ang subsidy ay hindi lamang para mabawasan ang gastusin sa pagkakarga ng krudo ng mga driver ng pampasaherong jeep kundi upang matiyak na may maghahatid sundo sa mga pasahero ngayong panahon ng pandemya.

Nilinaw rin nila na ang subsidy ay maaari lamang magamit na pambayad sa ikakargang krudo ng mga jeep sa siyam na participating petroleum retail outlets o gasoline stations.

Facebook Comments