Matapos ipatupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang Public Utility Vehicle Modernization Program, marami sa mga drivers at operators ang naapektuhan dito.
Dahil dito naghandog ang LTFRB Region 1 at Department of Labor and Employment Central Pangasinan Field Office ng pangkabuhayan sa tatlong benepisyaryo mula sa mga bayan ng Calasiao at Sta. Barbara na naaapektuhan ng phase out.
Nakatanggap ang mga nasabing benepisyaryo ng 29 na sako ng half-cavan rice na magsisilbing panimulang puhunan sa pagtitinda ng bigas.
Ang tulong na ito ay sa ilalim ng programang makakatulong sa mga jeepney driver na piniling humiwalay sa industriya ng pampublikong transportasyon. Laking pasasalamat naman ng mga nabibiyayaan ng tulong pangkabuhayan. | ifmnews
Facebook Comments