MGA DRIVERS AT OPERATORS NG PUV NA HINDI SUMUSUNOD SA MINIMUM HEALTH PROTOCOLS SA ILOCOS REGION, HINIKAYAT NA ISUMBONG SA KINAUUKULAN

ILOCOS REGION – Hinikayat ng Department of Health- Center for Health Development Region 1 na isumbong ang mga drivers at operators ng mga public utility vehicles (PUVs) sa Ilocos Region na hindi sumusunod sa minimum health protocols.

Ayon kay DOH-CHD1 Information Officer, Dr. Rheuel Bobis, kung mayroong makita ang mga commuter na paglabag sa minimum health standards sa loob ng pampublikong sasakyan, isumbong umano ito sa kinauukulan upang magawa ang agarang aksyon.

Aniya kailangan pa ring masunod ang 50% capacity sa mga pampublikong sasakyan alinsunod sa guidelines ng Modified General Community Quarantine.


Sinabi naman ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board Regional Director Nasrudin Talipasan, hindi bababa sa 50 drivers at operators sa rehiyon ang nabigyan ng penalty ng kanilang enforcement section dahil sa hindi pagsunod sa minimum health standards.

Dagdag nito nagbibigay ng orientation ang ahensya sa mga drivers at operators ukol sa mga protocols ngayong pandemya bilang tugon upang hindi na kumalat pa ang COVID-19.

Ang sinumang lumabag umano sa ipinatutupad na alituntunin ay pagmumultahin ng 5, 000 sa first offense, 10, 000 sa second offense at sa third offense ay sususpendihin na ang kanilang prangkisa.

Samantala, hinihikayat pa rin ng otoridad ang publiko na huwag lumabas ng tahanan kung hindi naman umano essential o importante ang pupuntahan sa labas.

Facebook Comments