Mga drug den malapit sa paaralan-ikinabahala ng PDEA-12

General santos City—ikinabahala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office-12 ang nadiskobreng drug den malapit sa mga paaralan.
Sinabi ni Kath Abad, Spokesperson ng PDEA-12 na alarming di umano ang drug den na kanilang nadiskobre na malapit sa mga paaralan dahil base sa report na kanilang natanggap ay kalimitan sa kanilang mga customer ay mga mag-aaral.
Matatandaan na una nang binolabog ng PDEA-12 ang drug den sa Kidapawan City na malapit sa isang pampublikong paaralan doon.
Samantala nuong nakaraang araw dito sa Gensan ay binolabog din ng PDEA ang isang Car wash na sinasabing ginawa ring drug den ng nagmamay-ari nitong isang businessman.
Sa ngayon mas pinaigting pa ng PDEA-12 ang kanilang monitoring nitong mga drug den na nasa kanilang AOR bilang bahagi na rin ng kanilang kampanya laban sa droga.

Facebook Comments