Turismo, malaking asset para sa bansa

Manila, Philippines – Naniniwala si Presidential Consultant on Entrepreneurship at ASEAN Business Advisory Council (ABAC) chairman Jose “Joey” Concepcion na malaking asset ng Pilipinas ang turismo.

Sa press briefing sa International Media Center sa Pasay City, sinabi ni Concepcion na malaki ang pag-asa ng Pilipinas sa sektor ng turismo.

Ayon kay Concepcion, malaki rin ang maitutulong ng pagtatayo ng infrastructure projects.


Ang ganitong klase ng mga proyekto aniya ang makakahatak sa mga turista na magtungo ng Pilipinas.

Tinukoy din ni Concepcion ang kahalagahan ng paglikha ng mga bagong trabaho para sa mga Pilipino.

Facebook Comments