Manila, Philippines – Binuwag na ng Philippine National Police ang lahat ng kanilang Drug Enforcement Unit sa buong bansa.
Kasunod ito ng pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA bilang lead agency sa pagsasagawa ng anti illegal drugs operation.
Batay sa inilabas na statement ni Directorate for Operation Police Director Camilo Cascolan lahat ng Drug Enforcemet Unit mula Police Regional Offices hanggang mga Police Stations ay tinanggal na.
Dahil dito ang magiging trabaho ng lahat ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit ay tutukan pagbibigay ng solusyon sa mga street crimes.
Pero sa statement ni Cascolan, hindi bubuwagin ang Philippine Drug Enforcement Group ( PDEG) sa halip magiging limitado lamang ang kanilang trabaho.
Ito ay ang patuloy na magsagawa intelligence gathering sa mga drug activities at ipasa ito sa PDEA.
Maging ang mga case under investigation na mapatunayang drug related ay ipapasa na rin aniya sa PDEA at sila na ang magsasagawa ng imbestigasyon.