Mga Drug Identified, Nag-enjoy sa Rehabilitation Wellness Program

Naguilian, Isabela- Masayang idinaos ang Rehabilitation Wellness Program para sa mga sumukong Drug Identified kahapon Pebrero 13, 2018 sa Barangay Flores, Naguilian, Isabela.

Ayon kay COP Francisco Dayag, dinisenyo umano ang programa upang tipunin ang lahat ng sumukong drug identified at turuan ng simpleng pamamaraan na makatutulong sa kanilang pamumuhay at komunidad.

Ilan sa mga isinasagawa sa nasabing programa ay ang pagbabahagi ng kaalaman sa pagkukumpuni ng electrical wirings, pagsagawa ng guidance counselling, clean and green program at zumba.


Isa din umano itong paraan upang hikayatin ang ilang D.I. na nasa kanilang watch list na sumuko.

Inaasahan ngayon ng PNP Naguilian ang lubos na pagbabago at pagsuko ng mga kabilang pa rin sa kanilang watch list upang maabot umano ang layuning zero drug identified municipality.


Facebook Comments