Mga Drug Responders sa Alicia, Hinangaan sa Kanilang Lubos na Pagbabago!

Alicia, Isabela- Lubos na hinangaan ni Police Senior Inspector Darwin John Urani hepe ng PNP Alicia, ang pursigidong pagbabagong buhay ng mga drug responders sa kanilang nasasakupang bayan.

Ito ang masayang niyang ibinahagi sa naging ugnayan ng RMN Cauayan sa programang Sentro Serbisyo kahapon sa kanyang naging pagdalo.

Aniya, kitang kita umano sa mga drug responders ang kanilang buong pusong pakikilahok sa mga programa ng kapulisan lalo na sa kanilang Community Based Rehabilitation Program (CBRP) kung saan ay saklaw nito ang Spiritual Enhancement, Community Service, Cash for Work Programs at iba pang mga aktibidad na makakapagpatunay sa kanilang lubusang pagbabagong buhay.


Dagdag pa niya, sa halip na tawagin umanong suspek ang mga ito ay mas mabuti nalang umanong sabihing biktima ng droga para hindi naman umano mahiya ang mga ito sa ibang mga tao.

Hinahangaan naman ni PSI Urani ang mga drug responders sa kanilang bayan dahil umano sa pagiging participative at pagpapakita ng mga ito na handa silang magbago.

Samantala nasa kabuuang bilang naman na umanong 320 drug responders na umano ang grumaduate na sa kanilang bayan nito lamang nakaraang buwan ng Mayo.

Sa ngayon ay nasa 92 Drug responders na lamang umano ang hindi nila nakikita at karamihan umano sa mga dito ay hindi na mahanap dahil patay na habang patuloy parin ang kanilang ginagawang monitoring upang lalo pang mabantayan at magabayan ang mga nagtapos na sa CBRP nang huwag ng bumalik pa sa maling Gawain.

Ayon pa kay PSI Urani, hindi naman umano nila masasabing wala ng droga sa kanilang bayan dahil sa kanilang mga operasyon kontra iligal na droga ay may mga nahuhuli parin at karamihan sa mga ito ay mula sa ibang mga bayan kaya’t tinitiyak nilang lalo pa silang magiging mapagmasid upang masugpo ang crimeng may kinalaman sa droga sa kanilang bayan.

Facebook Comments